Biyernes, Disyembre 16, 2011


   Pag- unlad ng Agham at Teknolohiya:
Masama nga ba o mabuti ang magiging bunga sa Daigdig?
ni Chester Ian Pineda

          Di maipagkakaila na malaki ang naitulong ng Agham at Teknolohiya kung pagbabatayan ang mga magagandang naidulot nito sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Dahil sa pinapadali ng mga ito ang ating gawain ay mas lalo pang napaayos ng husto ang ating buhay. Subalit sa likod ng mga lumilipanang teknolohiya, kaakibat rin nito ang mga negatibong epekto na nagpapabago sa ugali at moralidad ng mga kabataan.

          Gaya lamang ng cellphone at computer na walang habas na ene-endorso kung kaya't maraming kabataan ang nahuhumaling at napipilitang magwaldas ng malaking halaga.Kung iyong mapapansin mas marami pang kabataan ang makikita na pumapasok sa mga internet cafe kaysa pumasok sa paaralan, na isa sanang daan sa matagumpay na kinabukasan. Bukod pa rito, maraming mga malalaswang litrato at video ang makikita dito. Dahil sa nilalason nito ang ating pag-iisip ay napapabayaan pa ang ating pag-aaral.


             Hindi naman masama ang magiging bunga ng Pag-unlad ng Agham at Teknolohiya sa Daigdig kung tama lang ang paggamit ng mga ito.. 

1 komento: