Martes, Disyembre 20, 2011

Article Compilation

ANG TAGUMPAY
Ni Chester Ian S. Pineda


        Napakaingay.. Marami sila na tila napapatalon sa sobrang saya. Ang iba nama'y umiiyak habang yumayakap sa isa't-isa na para bang maghihiwalay na!. Nakakamangha ang kanilang unipormeng suot na parang magkahawig nung sa laboratory gown ng fisheries subalit hindi head cup ang isinusuot sa ulo kundi isang puting hugis parisukat na may nakabiting maliit na puting lubid sa kanang gilid nito.
          Wariin mo'y pawang mga batang langgam na naglalakad kasama ang mga magulang patungo sa paroroonan-- na bawat isa sa kanila  ay may hinahawakang puting bagay na kung saan ang dulo nito ay may maliit na apoy na kumikinang. Kasabay rin ang malakas  na tunog ng mnga awitin na syang nagbibigay kulay at kalungkutan sa mga puso ng bawat naroroon.
           Kitang-kita ko rin sa mga mata ng mga magulang  ang saya at galak nang makatanggap ang anak ng kumikinang na  hugis bilog na para bang bituin sa kalangitan kong iyong pagmasdan.
           Talagang napakasaya nilang lahat lalo pa't nang ibinigay na ang isang papel na may nakasulat ng kani-kanilang pangalan. Bawat isa ay nagkakamayan sa tuwing igignagawad ito sa kanila. Taas noo pang itinaas at winagayway ang mahalagang papel para sa kanila- na animo'y nanalo ng 500M sa lotto . Kasunod nito, nagsitayuan ang lahat upang bigyang pugay ang isang lalaking kakaiba sa lahat. Marami siyang bilog na ginto sa dibdib, halos nabibigatan sa dala-dala nitong karangalan. Bigla-bigla, tumahimik ang lahat...... Ang bawat salita na lumalabas sa kanyang bibig ay makabuluhan. Ramdam ko rin ang pagod, sakripisyo, at sakit na kanyang napagdaanan. Sinubok man siya ng kahirapan, pilit niya naman itong nilalabanan. Kanyang napatunayan na hindi hadlang ang kahirapan sa pagtupad ng mithiin at pangarap sa buhay. Kanyang nais ipatupad sa lahat na ang edukasyon ang syang ating sandata upang labanan ang kamangmangan at paghihirap sa buhay. Siya man ay bunga ng wasak-wasak na pamilya. Pilit niyang iaaahon ang biyuda nitong ina sa kahirapan. Nangangako siya na sisikapin niya pa lalong mag-aral ng mabuti bilang preparasyon sa hinaharap. Lagi raw nating isaisip at huwag ikaliligtaan na pasasalamatan ang Diyos na Lumikha sa atin......Napatayo ang lahat na para bang sumaludo matapos ibinahagi ang karanasan sa buhay.
            Sa huling sandali, aking napansin na ang maliit na lubid na kanina'y nasa kanan, ngayon ay nasa kaliwa na. Napakasaya nilang lahat.. Sabayn hagis ang bagay na nasa ulo at sumigaw ng " Salamat Nay, Tay sa sakripisyo, paghihirap, pagtitiis, at pagod sa buhay" Ngayon hawak ko na ang pinapangarap niyo sa'kin na makapagtapos.. Dahil sa mga sakripisyo, aking nakamit  ang hangarin niyo sa akin .......... ANG TAGUMPAY

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento