Miyerkules, Enero 23, 2013


TF: Sugo sa Kadiliman
Chester Ian S. Pineda


           


             Mapalad ang mga taong nabibiyayaan ng tunay na kaibigan.
Masarap mamuhay kapag kasama mo ang espesyal sa iyong buhay. Pakiramdam mo bagang tila walang hanggan ang kasiyahang nadarama. Ngunit bakit ganoon, kung gaano kalaking pagpapahalaga ang ipinararamdam mo sa kanya ay ganoon na lamang  kasakit at kadali ang kanyang pag-iwan? Di ba ang tunay na kaibigan ay hindi nang- iiwan, laging nagdadamayan, at handa gawin ang lahat upang mapabuti ang pagsasamahan? Totoo bang masaya magkaroon ng true friend?
Bunso ako sa tatlong magkakapatid. Kung tutuusin wala na akong hihilingin sa buhay maliban sa ang magkaroon ng kaibigang kakalinga at handang makinig at umunawa sa panahon ng kalungkutan, pagkabigo, o kasiyahan. Yung tipong may magsasabing “Okay ka lang Chest?” at laging nandyan di dahil sa may kailangan lang. Siyang- siya ang ideal friend ko.
High School life is da Best ika nga nila. Da best nga ba talaga?? Sa aming paaralan ay natagpuan ko ang isang kaibigan. Siya si Lenz. Matalino, simple, responsible, di nang- iiwan, at palaging andyan sa panahon ng pangangailangan. Larawan siya ng aking sarili at sa kanya makikita ang mga kalidad na hinahanap ko sa isang kaibigan. Lagi kaming magkasama lalo pa’t noong nagkaroon ng paligsahan na kapwa kami’y kalahok. Mas lubusan ko siyang nakilala. Aking napagtanto na siya na nga ang magiging true friend ko. Lumalim ang aming pagsasama at siya’y aking naging kaibigan. Sa isang pangyayari lahat ay nagbago. Sa isang munting pagkakamali na sa kanya’y malaki kung kanyang ituring ay siyang sumira ng aming pagkakaibigan. Ni hindi lang man siya nagbigay ng second chance. Aking napagtanto na ako’y walang halaga sa kanya sapagkat ganoon na lamang kadali ang kanyang pagbitaw. Bagkus, mas lubusan ko pang hinanap ang sagot at inalam ang mali sa aking sarili kung bakit di madali para sa’kin  ang makahanap ng TF- true friend. Pagkatapos ng pangyayari ay di ko na inintindi sa halip ay binuksan ko na ang panibagong kabanata ng aking buhay. Lumaho man si Lenz, pumailanlang naman itong si TFMicoh. Sa hindi namalayan, may mga kaibigan rin pala akong matagal nang nakausli sa baul ‘di nga lang dagliang binuksan ngunit minsan andyan - Jan Lester, Adino Jephthah, Kevin Paul, Nyll Vincent, at Freedom
Kinaumagahan, nagkaroon ako ng sakit. Isang malubhang sakit. Hindi ko sinabi sa aking kaklase at Lenz ang tungkol dito dahil wala naman silang concern sa’kin o ayaw ko lang silang maabala pa. Tinanong ko ang aking sarili: Bakit ganito ang aking kapalaran? Mula nang magkasakit ako ay wala na akong ibang sinasabi kundi Diyos. Natuto akong makipag- usap sa Diyos. Kung hindi dahil sa sakit, siguro ay hindi ko siya nakilala. Kapag nagdarasal ako sa kanya, pakiramdam ko’y wala akong sakit. Lahat ng problema ko ay sinasabi ko sa kanya. Dahil dito ay itinuturing ko siyang true friend ko. Binigyan niya ako ng sakit hindi sa kadahilanang ako’y gusto Niyang gantihan o parusahan, bagkus gusto Niyang makilala ko siya sa ganoong paraan. Tunay siyang sugo sa kapanahunan ng aking kadiliman. Bahagi sila ng buhay ko lalung- lalo na ang Maykapal. Ikaw, true friend mo din ba Siya?

Bukabularyo:
                                  Sugo - Torch